Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pormal ng nanumpa kamakailan ang mga bagong miyembro ng (MPS)

Sep
17,
2019
Comments Off on Pormal ng nanumpa kamakailan ang mga bagong miyembro ng (MPS)

“Maiingay na muffler, paglalaro ng mga estudyante sa mga computer shop, videoke sa diyes oras ng gabi”, oras na para turuan sila, pahanon ng bigyan ng leksyon β€œ – Mayor Carlos Lopez Jr

Pormal ng nanumpa kamakailan ang mga bagong miyembro ng Municipal Advisory Council ng Asingan Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMAJ Leonard Zacarias, hepe ng nasabing istasyon.

Sa nasabing pagpupulong ay binalaan niya na hindi mabibigyan ng lisensya at magmumulta pa ang mga computer shop na mahuhulian ng mga estudyante na naglalaro sa oras ng eskwela. Ito ay pagkatapos na rin sa mga reklamo na natanggap niya mula sa ilang mga paaralan. Maging ang mga maiingay na muffler at ang pagvivideoke sa diyes oras ng gabi ay hindi rin niya pinalampas pati sila ay mabibigyan din ng parusa kapag nahuli.

Muling nagpasalamat ang alkalde sa kapulisan sa kanilang mahusay na paglilingkod sa bayan ng Asingan. At nangako na laging nakasupporta ang butihing Mayor sa mga mabuting layunin ng kanilang departamento.

Nahalal bilang chairman ng naturang konseho si Mayor Carlos Lopez Jr. at kasama din si Konse Johnny Mar Agunias Carig bilang kinatawan ng Sangguniang Bayan at dating miyembro ng MAC na si konse Melchor Cardinez.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top