Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PONDO PARA LINE CANAL NA MAKAKATULONG SA 200 HEKTARYANG SAKAHAN, APROBADO NA NG SB ASINGAN

Apr
29,
2021
Comments Off on PONDO PARA LINE CANAL NA MAKAKATULONG SA 200 HEKTARYANG SAKAHAN, APROBADO NA NG SB ASINGAN

PONDO PARA LINE CANAL NA MAKAKATULONG SA 200 HEKTARYANG SAKAHAN, APROBADO NA NG SB ASINGAN
Kamakailan ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Asingan ang pondo para sa pagpapatuloy na konstruksyon ng irrigation canal ng Bantog Asingan Farmers Irrigators Association.


“Ito yung concrete hollowblock line canal para doon sa patubig sa mga magsasaka… actually na start na natin ito last year na binigyan namin sila ng pondo kaya tinutuloy lang namin ngayon. Ito ay malaking tulong sa mga magsasaka dahil sa panahon ngayon mahirap ang tubig wala pang ulan kaya na i-equally distributed yung tubig kapag meron mga kanal na ganito. Sabi ko nga ang main concern natin yung mga magsasaka matulungan sila sa paglago ng kanilang ani” saad ni Vice Mayor Heidee Chua.
Sa ngayon ay nasa 165 na mga magsasaka ang miyembro ng naturang asosasyon.
Ayon kay Karl Christian Hernandez na kasalukuyang presidente ng grupo, nasa 200 na ektaryang lupang sakahan ang matutubigan ng kanal kapag ito ay natapos.
“Yung kasing pinakamain goal yung mga katabing mga farmers association like ng Aragaag Farmers SWISA, nagrerequest sila ng additional na supPLY ng tubig kaya yung ginawa namin na project noon. Tatawid sa kanila then yung last naman na project papunta naman sa Sinapog” ani Fernandez.
Lubos naman ang pasalalamat ni Alfredo Tarangco, Incoming President Bantog Asingan Farmers Irrigators Association, sa P80, 000.00 na karagdagang pondo para sa proyekto.
“Nagpapasalamat kami sa Sangguniang Bayan para mabigyan kami uli ng pagkakataon na mapondohan muli ang aming asosasyon para dumiretso ang tubig” mensahe ni Tarangco.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top