Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT PROGRAM SA ASINGAN, UMABOT NA SA HALOS 500 RESIDENTE ANG NAPAGSILBIHAN

Jun
26,
2026
Comments Off on PHILHEALTH YAKAP AT GAMOT PROGRAM SA ASINGAN, UMABOT NA SA HALOS 500 RESIDENTE ANG NAPAGSILBIHAN

Umabot na sa halos 500 residente ang kabuuang bilang ng napagsilbihan sa pagpapatuloy ng PhilHealth Yakap at Gamot Program sa bayan ng Asingan.
Isinagawa ang programa sa Barangay San Vicente West matapos itong simulan noong Lunes sa Barangay Ariston East bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng pangunahing serbisyong medikal sa mga mamamayan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Rural Health Unit of Asingan at Asingan Community Hospital, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makatanggap ng konsultasyon, libreng gamot, at gabay kaugnay ng kanilang kalusugan.
Layunin ng programa na mas mapalawak ang access ng mga Asinganian sa serbisyong pangkalusugan, lalo na ang mga pamilyang nangangailangan ng agarang tulong medikal at maintenance na gamot.
Sa Lunes, Hunyo 29, nakatakda namang dalhin ang programa sa Barangay Sobol upang mas marami pang residente ang maabot ng serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.
Patuloy namang hinihikayat ang mga residente na makiisa sa programa upang masiguro ang maagang konsultasyon at pangangalaga sa kanilang kalusugan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top