Kasalukuyang isinasagawa ngayon, June 23, Martes, sa Barangay Ariston East ang PhilHealth YAKAP at GAMOT Programs na layong magbigay ng mas madaling access sa serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Asingan.
Pinangungunahan ang aktibidad ng Rural Health Unit of Asingan at Asingan Community Hospital, kasama ang mga healthcare workers at medical professionals na umaalalay sa mga residente para sa PhilHealth YAKAP registration at enrollment assistance.
Bahagi rin ng programa ang medical consultation, health assessment, health education, counseling, gayundin ang access sa benepisyo ng PhilHealth GAMOT Program at pamamahagi ng mga gamot sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Layunin ng aktibidad na mas mapadali para sa mga residente, lalo na sa mga senior citizens, may iniindang karamdaman, mga magulang, at pamilyang nangangailangan ng tulong medikal, ang pagkuha ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa kanilang mismong komunidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas nagiging abot-kamay para sa mga Asinganian ang konsultasyon, payong medikal, gamot, at iba pang benepisyong pangkalusugan mula sa PhilHealth








