Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ng gobyerno sa mga mamamayan, isinagawa ngayong Martes sa Barangay San Vicente East ang PhilHealth Yakap at Gamot Program.
Umabot sa 178 residente ng barangay ang napagserbisyuhan sa aktibidad, kung saan nakatanggap sila ng konsultasyon, libreng gamot, at gabay kaugnay ng kanilang kalusugan.
Pinangunahan ang programa ng Rural Health Unit of Asingan at Asingan Community Hospital bilang bahagi ng pagsisikap na mailapit ang pangunahing serbisyong medikal sa mga Asinganians, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng agarang tulong at maintenance na gamot.
Layunin ng programa na mas mapadali ang pagkuha ng mga residente ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mismong kanilang komunidad.










