Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PANGASINAN, PINAGHAHANDA PARA SA POSIBLENG EPEKTO NG BAGYONG UWAN

Nov
9,
2025
Comments Off on PANGASINAN, PINAGHAHANDA PARA SA POSIBLENG EPEKTO NG BAGYONG UWAN

PANGASINAN, PINAGHAHANDA PARA SA POSIBLENG EPEKTO NG BAGYONG UWAN; MATA NG BAGYO, PAPALAPIT NA SA NORTHERN LUZON
As of 7:00 PM, ang mata ng Bagyong Uwan ay nasa 85 kilometers east-southeast ng Baler, Aurora, at patuloy na kumikilos pahilagang kanluran. Inaasahan na ang unang landfall ng bagyo ay magaganap ngayong gabi o bukas ng madaling araw sa bahagi ng Aurora. Pagkatapos nito, tatahakin ng bagyo ang mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Zambales, at Tarlac, kung saan mararanasan ang pinakamalalakas na hangin at ulan.
Binanggit ng PAGASA na ang pinakamalakas na bahagi ng bagyo ay daraan sa mga lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, at Zambales, at partikular na sa Pangasinan, La Union, at ilang bahagi ng Ilocos Sur. Makikita sa track ng bagyo na posibleng tumama ito sa katubigan ng Pangasinan o La Union, partikular sa Lingayen Gulf.
Pagkatapos ng landfall, kikilos ang bagyo patungo sa Northern Luzon at inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility sa Martes. Ang mga residente sa mga apektadong lugar ay pinapayuhan na maghanda para sa malalakas na ulan, hangin, at posibleng storm surges.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top