Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PAGPAPATAYO NG BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) BUILDING

Sep
16,
2025
Comments Off on PAGPAPATAYO NG BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) BUILDING

PAGPAPATAYO NG BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) BUILDING SA BAYAN NG ASINGAN, ISINUSULONG PARA SA MAS MABILIS NA SERBISYO SA NEGOSYO

Isinusulong ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Asingan sa inisyatiba ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang pagpapatayo ng isang Business One Stop Shop (BOSS) Building. Layunin nito na pabilisin at pasimplehin ang proseso ng pagnenegosyo sa bayan. Ayon kay Mayor Lopez Jr., ang proyekto ay bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan na mapalakas ang ekonomiya ng Asingan sa pamamagitan ng paglikha ng isang sentralisadong gusali kung saan maaaring gawin ng mga negosyante ang lahat ng kinakailangang proseso sa isang lugar lamang.


Ang nasabing gusali ay inaasahang magsisilbing tahanan ng mga pangunahing opisina na may kinalaman sa pagnenegosyo tulad ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), Municipal Treasurer’s Office, Municipal Planning and Development Office, at iba pa.
Sa ganitong paraan, hindi na kailangang magpaikot-ikot ang mga aplikante sa iba’t ibang tanggapan para lamang magparehistro ng negosyo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top