Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagdating ng Bagyo Jenny, sinalubong ng mga nagtotong-its; mga sugarol minalas

Aug
27,
2019
Comments Off on Pagdating ng Bagyo Jenny, sinalubong ng mga nagtotong-its; mga sugarol minalas

 

Pagdating ng Bagyo Jenny, sinalubong ng mga nagtotong-its; mga sugarol minalas.

Sa rehas ang bagsak ng tatlo na lalaki nang mahuli sa aktong nagsusugal ng β€œtong its” sa Barangay Bantog, nitong lunes ng hapon sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng operatiba ng PNP Asingan.

Mahaharap naman ang tatlo sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.

Ayon sa PNP Asingan matagal nang isinusumbong ng ilang concerned citizens ang pagsusugal ng mga ito sa nasabing lugar.

Samantala, inirerekomenda ang P2,000 na piyansa sa bawat isa upang pansamantalang makalaya sa kaso.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top