Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagbibigay ng Quarantine Pass sa Asingan tuloy pa rin

Jun
3,
2020
Comments Off on Pagbibigay ng Quarantine Pass sa Asingan tuloy pa rin

Pagbibigay ng Quarantine Pass sa Asingan tuloy pa rin; Liqour Ban namemeligrong ipatupad muli; at Palengke pati na rin malalaking establishemento, sarado tuwing linggo.
Sa kabila ng pagsasailalim sa Pangasinan sa general community quaΒ­rantine, kailangan pa ring kumuha ng mga taga-Asingan ng quarantine pass sa mga barangay.
Nagbanta naman si lodi Mayor Carlos Lopez na posibleng ibalik sa bayan ang liquor ban sakaling madagdagan pa ang bilang ng mga nasisitang nag-iinuman sa pampublikong lugar.
Sa monitoring, may mga pasaway na nag iinuman sa labas ng kanilang bahay, kung saan minsan ay umaabot ng dis oras ng gabi at nagkakantahan pa sa videoke.
Samantala ipinapatupad pa din ang curfew hours mula alas otso (8) ng gabi hanggang alas singko (5) ng umaga para limitahan ang paglabas ng mga tao nang sa gayon, maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bayan.
Ayon sa IATF Asingan, bawal pa din lumabas ang edad 21 pababa at 60 pataas, kasama ang mga buntis at may karamdaman, maliban lang kung may medikal na pangangailangan.
Required parin ang pagsusuot ng face mask, mahigpit parin ang pagpapatupad ng social distancing at inaabisuhan ang publiko na manatili sa loob ng bahay kung walang importanteng gagawin sa labas.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top