
Pinapaalalahanan ang mga residente at mga magsasaka sa Asingan tungkol sa banta ng leptospirosis, isang sakit na dala ng bacteria mula sa ihi ng daga, lalo na sa panahon ng malakas na ulan at pagbaha sa mga bukirin at sakahan. Paano makakaiwas:
Iwasang makalubog sa baha o maruming tubig sa bukirin at palayan
Gumamit ng gumboots at gloves habang nagtatrabaho sa basang lupa
Panatilihing malinis ang paligid at alisin ang mga pinagmumulan ng daga sa sakahan
Agad kumonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pagsusuka, at pamumula ng mata @
Maging alerto at protektahan ang sarili at pamilya habang nagtatrabaho sa sakahan!
Sundan ang mga health protocols at abiso ng lokal na pamahalaan sa panahon ng baha.







