Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

One-Stop-Shop Para sa LTOPF Application, Binuksan Para sa mga Gun Owners ng Asingan

Oct
18,
2023
Comments Off on One-Stop-Shop Para sa LTOPF Application, Binuksan Para sa mga Gun Owners ng Asingan

One-Stop-Shop Para sa LTOPF Application, Binuksan Para sa mga Gun Owners ng Asingan


Mahigpit na ipinatutupad ang gun ban tuwing panahon ng kampanya kaya nakabantay ‘round the clock’ ang mga otoridad sa checkpoint.
“Ito po ay surprise checkpoints po natin sa ating mga kababayan kasi ang nangyayari kasi kung ito ay ilalagay natin sa isang lugar lang, may mga tao po kasi lalo na yung mga may hindi dapat na gawin or yung may mga iligal na gawain hind po sila ang dadaan sa checkpoints po natin.” kwento ni Police Major Katelyn May Awingan, hepe ng PNP Asingan.


Nakapagsagawa na ang Philippine National Police (PNP) ng 251,592 checkpoint operations sa iba’t ibang panig ng Pilipinas mula nang magsimula ang election period noong August 28.
Nakumpiska ang nasa 1,103 baril habang nahuli habang 1,479 indibidwal dahil sa paglabag sa Gun Ban.
995 baril ang isinuko sa pulisya at 1,905 baril ang idineposito para sa safekeeping.
Kaya naman hinihikayat ng mga otoridad ang mga gun owners sa Asingan na samantalahin ang pagkakataong mairehistro ang kanilang mga baril ngayong October 19 hanggang October 20 sa gaganaping License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan.
200 slots lamang ang inilaan para sa mga gun owners para mag-renew o magkaroon ng lisensya sa paggamit at pagmamay-ari ng baril.
Sa dalawang araw na caravan ay magkakaroon ng One Stop Shop Processing na layong mapadali at mapabilis ang proseso ng pagkuha ng LTOPF at pagre-rehistro ng baril para sa mga nais magkaroon o mag-renew ng mga ito.
“Pumunta po kayo sa amin lalong lalo na yung mga un-renewed licenses, yung mga baril na hindi lisensyado, yung mga baril na nasa inyo lang na walang papel. Punta lang po kayo sa amin para matulungan po namin kayo. Kung ayaw niyo naman po at luma na po yung mga baril po natin, pwede po natin i-turn in or i-custody dito po sa Asingan police station para safe din naman po kayo.” Ayon pa rin kay Awingan.
Maaring maharap sa patong patong na kaso at makulong ng ilang taon ang mga gun owner na mahuhulian ng baril sa kasagsagan ng Election Gun Ban.

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top