Noodles, Sardinas at Bigas na mula sa provincial government, ipamimigay para sa 3rd wave relief operation; Frontliners mula sa provincial government run hospitals, magkakaroon ng Covid Testing
Nasa dalawampung (20) kaban na bigas, limang (5) kahon ng sardinas at sampung (10) kahon ng noodles ang natanggap ng mga opisyales mula sa iba’t ibang barangay kaninang umaga sa Sapigao Sport Complex bilang bahagi ng pamimigay ng third wave mula sa Provincial Government.
“Kung maalala niyo, nagbigay na tayo ng provincial assistance na relief goods distribution noong mga nakaraang buwan because of this covid 19 pandemic. Ito ay pangatlong tulong na nanggaling sa ating mahal na Governor Amado ‘Pogi’ I. Espino III kasama ang ating mga Provincial Government of Pangasinan ang inyong lingkod po at saka si BM Noel.” saad ni 6th District Board Member Salvador Dong Perez Jr.
Nabanngit din ng bokal na naglaan ng pondo ang Provincial Government para sa pagpapalawak ng Covid testing sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan.
“Nagkaroon kami ng physical session first week of monday ng June, yung tungkol nga po sa Covid testing, ngayon ay sinasagawa na natin kasama ang Provincial Health Office. Ang inuuna po natin, ang mga frontliners natin kasi ang hospital na hinahawakan ng probinsya ay fourteen (14) hospital which is isa dito yung Asingan Community Hospital saka yung Eastern Pangasinan District Hospital. Naglaan kami ng pondo, target po ng Pangasinan maka-test ng hanggang 15,000 katao.” ani Perez.
Writer Akosi MarsRavelos Photos JC Aying