Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua kasama si Councilor Ira Chua sa isinagawang Zumba Session, na bahagi ng pagdiriwang sa National Women’s Month.
Ang Zumba session ay highlight ng Purple Wednesday, isang espesyal na aktibidad na naglalayong ipagdiwang ang kahalagahan ng mga kababaihan.
Ang National Women’s Month ay taunang ipinagdiriwang tuwing Marso upang bigyang-diin ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan at hikayatin ang lahat na makibahagi sa pagtataguyod ng kanilang karapatan at kapakanan.