Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Naka-schedule ka na ba para sa PhilSys Step 2 registration?

Apr
11,
2022
Comments Off on Naka-schedule ka na ba para sa PhilSys Step 2 registration?
Naka-schedule ka na ba para sa PhilSys Step 2 registration?
Simula bukas April 11 ay muling magsasagawa ng Step 2 registration ang Philippine Identification System (PhilSys) Asingan para sa mga residente na hindi pa nakapagparehistro.
ANO ANG MGA KAILANGANG DALHIN AT TANDAAN PARA SA STEP 2 REGISTRATION NG PHILSYS? πŸ€”
Ang Step 2 registration ay ang pag-validate ng demographic data at pagkuha ng biometric information tulad ng iris scan, fingerprints at front-facing photograph na isinasagawa sa sa kanilang opisina sa DILG building mula alas otos ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
TINGNAN ang post na ito para sa mga reminders para sa Step 2 registration πŸ‘‡πŸΌ

Ang Step 2 registration ay ang pag-validate ng demographic data at pagkuha ng biometric information tulad ng iris scan, fingerprints at front-facing photograph na isinasagawa sa mga designated registration centers.

Paalala na ingatan ang transaction slip para sa pagtanggap ng PhilID at PhilSys Number (PSN) na ihahatid naman ng PHLPost sa address na iyong ibinigay.

Sa iyong pagtungo sa registration center, alamin ang mga alituntunin rito:

◼️ IWASAN magsuot ng sando o sleeveless na damit. Ipinapayo na magsuot ng presentableng kasuotan.

◼️ IWASAN din ang paglagay ng heavy o makapal na make-up.

◼️ TANGGALIN ang eyeglasses o contact lenses, hikaw, kwintas at iba pang uri ng facial piercing bago kuhanan ng biometric information.

Kung ikaw ay walang valid ID tulad ng mga nabanggit, ang iyong BARANGAY CLEARANCE o CERTIFICATE na naglalaman ng thumbmark/signature, buong pangalan, address, birth date at front-facing photograph ay sapat at tinatanggap ng PSA para ma-validate ang iyong demographic data. ◼️ MAGSUOT ng FACE MASK sa lahat ng oras maliban kung kukuhanan na ng larawan.

◼️ HUWAG TUMULOY kung nakakaranas ng COVID-19 symptoms tulad ng ubo, lagnat, o hirap sa paghinga.

◼️ UGALIING mag-sanitize, at panatilihin ang isang metrong physical distancing.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top