Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Naantalang pamimigay ng binhi para sa mga magsasaka ng DA Asingan Tuloy Na

Jun
23,
2020
Comments Off on Naantalang pamimigay ng binhi para sa mga magsasaka ng DA Asingan Tuloy Na

Naantalang pamimigay ng binhi para sa mga magsasaka ng DA Asingan, tuloy na bukas.
Muling nagpapaalala ang Department of Agriculture Asingan na simula bukas June 24 Miyerkules ay maari ng magtungo ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay upang kunin pa ang natitira binhi na di pa nila nakukuha.
β€œIto yung mga RCEP seeds na makukuha ng ating mga magsasaka nakumpleto na namin yung allocation natin sa Asingan kaya lahat ng farmers na partial lang ang nakuha nila na binhi, pwedeng bumalik na uli at para makumpleto yung kanilang binhi para pantanim itong rainy season” saad ni Municipal Agriculturist Ernesto Pascual.
Ang Department of Agriculture Asingan ay bukas mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon lunes hanggang biyernes na matatagpuan sa Magilas Trail Barangay Macalong.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top