Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA PROGRAMA AT SERBISYO, AARANGKADA SA TOBOY, SANCHEZ AT CABALITIAN SA HULYO 1

Jun
30,
2026
Comments Off on MGA PROGRAMA AT SERBISYO, AARANGKADA SA TOBOY, SANCHEZ AT CABALITIAN SA HULYO 1

MGA PROGRAMA AT SERBISYO, AARANGKADA SA TOBOY, SANCHEZ AT CABALITIAN SA HULYO 1

Aarangkada sa Hulyo 1 ang iba’t ibang serbisyo sa ilang barangay sa bayan ng Asingan bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng tulong sa mga mamamayan.
Sa Barangay Toboy, isasagawa ang PhilHealth YAKAP at Gamot Program para sa libreng konsultasyon at gamot ng mga kwalipikadong residente.
Samantala, magkakaroon naman ng pamamahagi ng libreng binhi sa Barangay Sanchez at Barangay Cabalitian bilang suporta sa backyard gardening at pagpapalakas ng lokal na produksiyon ng pagkain.
Sa Cabalitian, isasagawa rin ang libreng purga at bakuna para sa mga alagang kalabaw, baka, at kambing upang makatulong sa pangangalaga sa kalusugan ng mga hayop na katuwang ng mga magsasaka sa kanilang kabuhayan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top