Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA KABATAANG WALANG TRABAHO, BAGONG GRADUATE SA BARANGAY BANTOG, SUMAILALIM SA EMPLOYMENT SEMINAR

May
18,
2026
Comments Off on MGA KABATAANG WALANG TRABAHO, BAGONG GRADUATE SA BARANGAY BANTOG, SUMAILALIM SA EMPLOYMENT SEMINAR

Sumailalim sa employment seminar ang mga kabataang walang trabaho at mga bagong graduate sa Barangay Bantog upang magabayan sa paghahanap ng hanapbuhay at sa mga tanggapang maaari nilang lapitan sa munisipyo.

Sa seminar na may temang “Rising Above: Navigating the Path to Meaningful Employment,” tinalakay ang mga oportunidad sa trabaho, mga programang maaaring makatulong sa kabataan, at ang papel ng mga tanggapan sa munisipyo sa pagbibigay-serbisyo.

Naging panauhing tagapagsalita si Rizalina Aying, dating PESO Manager, na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa mga programa at serbisyong maaaring lapitan ng mga kabataang nais magkaroon ng trabaho. Kabilang sa mga tinalakay ni Mrs. Aying ang paggawa ng résumé at wastong asal o etiketa sa paghahanap ng trabaho.

Ayon kay Nadine Lucero, Social Work Student Intern, layunin ng seminar na mabigyan ng impormasyon ang mga kabataan, lalo na ang mga bagong graduate, tungkol sa mga programang may kaugnayan sa trabaho mula sa munisipyo.

Samantala, sinabi ni John Emanuel Pablo, kasalukuyang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Bantog, na malaking tulong ang aktibidad sa mga kabataang naghahanap ng trabaho.

“Malaking bagay po. Siyempre po, sa ngayong panahon po marami po yung walang trabaho at dapat po i-grab po nila itong opportunity na ito para po makapagtrabaho po sila,” ani Pablo.

Ang seminar ay bahagi ng internship initiative ni Lucero sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO, kung saan mga kabataan mula sa Barangay Bantog ang dumalo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top