Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA BAYANI NG BAGYONG UWAN

Nov
25,
2025
Comments Off on MGA BAYANI NG BAGYONG UWAN
MGA BAYANI NG BAGYONG UWAN, PINARANGALAN NG LGU ASINGAN
Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan, sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr., ang lahat ng nagpakita ng tapang at dedikasyon noong kasagsagan ng Super Typhoon Uwan.
Kabilang sa mga pinarangalan ang PNP, BFP, POSG, MRF, PARDS, Guardians, Plaza Personnel, Fiel Xymond Cardinez, RHU, MSWDO, Vice Mayor’s Office, Sangguniang Bayan, Office of the Mayor, Team Bahay, Maintenance Department pati na ang mga barangay officials at responders, sa pamamagitan ng pamamahagi ng Certificate of Recognition ngayong araw, November 24.
Ayon kay Mayor Lopez Jr., ang pagkilalang ito ay taos-pusong pasasalamat ng LGU sa kanilang ipinakitang malasakit at sakripisyo.

“Isang munting pasasalamat ito sa buwis-buhay na ginawa nila noong kasagsagan ng Bagyong Uwan. Sa lakas ng hangin at ulan, may mga nagpaparescue, at agad itong tinugunan ng ating barangay officials, responders, at MDRRMO personnel. Ipinakita nila ang taos-pusong paninilbihan para sa bayan,” pahayag ng alkalde.
Sa bahagi ng panayam, nanawagan din si Mayor Lopez Jr. ng mas maagap na pagtugon sa mga abiso ng paglikas.
“Kung kailangan na po talaga na mag-force evacuation na, hindi sa kasagsagan ng bagyo, dapat mag-evacuation na talaga. Kasi kawawa naman yung mga responders na madidisgrasya, just in case na dahil lang sa prinsipyo na baka manakawan sila, iiwan yung kanilang bahay,” dagdag ng alkalde.
Dagdag pa ng LGU, patuloy nilang pag-aaralan ang mas epektibong mekanismo upang maprotektahan ang kaligtasan at matiyak ang seguridad ng mga ari-arian sa oras ng evacuation.

 
 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top