Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mga 4Ps beneficiaries ng Asingan, namigay ng relief goods sa kanilang mga ka-barangay.

Apr
15,
2020
Comments Off on Mga 4Ps beneficiaries ng Asingan, namigay ng relief goods sa kanilang mga ka-barangay.

Mga 4Ps beneficiaries ng Asingan, namigay ng relief goods sa kanilang mga ka-barangay.
Umani ng papuri mula sa netizen ang ginawang pagtutulungan ng mga cluster ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay upang makapagbigay tulong sa hindi sakop ng Pantawid na apektado ang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic gaya ng relief goods at tulong pinansyal. β€œGinawa namin ito kasi sa pambabatikos ng mga tao sa pantawid parang lahatan na kasi ginagawa nila, yun yung nakapag-isip sa amin na kahit sa kaunting bagay eh maibalik namin ang blessing sa kapwa namin mahihirap na yung perang binibigay ng gobyerno ay pinapangalagahan naming bawat sentimo sabi ni Angelita Domingo, Parent Leader ng Barangay Calepaan.
Nag-ambagan at namigay ang mga cluster mula sa Barangay Calepaan, Barangay Cabalitian, Barangay Toboy Riverside, Barangay Dupac, Barangay Palaris at ngayon pati na rin ang Barangay Carosucan Sur kung saan ang ilan sa mga pinagtulong tulungan ay mula sa emergency cash assistance sa ilalim ng national Government.
Mabuhay po kayo!
JC Aying Akosi MarsRavelos

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top