Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAYOR LOPEZ JR., NANGUNA SA PAGPAPALAKAS NG MGA PROGRAMA PARA SA PWDs

Sep
29,
2025
Comments Off on MAYOR LOPEZ JR., NANGUNA SA PAGPAPALAKAS NG MGA PROGRAMA PARA SA PWDs


Sa patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan na bigyang- priyoridad ang sektor ng mga Persons with Disability (PWD), nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Council on Disability Affairs (LCDA) nito lamang nakaraang linggo, sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr.


Layunin ng pagpupulong na palakasin pa ang mga umiiral na programa at serbisyo para sa mga PWD sa bayan, gayundin ang pagtukoy sa mga panibagong hakbang na magpapaigting sa kanilang partisipasyon sa lipunan.
Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pulong ay ang presentasyon at pagsusumite ng listahan ng mga mag-aaral na may kapansanan sa mga pampublikong paaralan sa Asingan. Ang datos ay layong gawing batayan sa pagbuo ng mga programang tutugon sa kanilang mga natatanging pangangailangan, partikular sa sektor ng edukasyon.
Ayon sa LCDA, mahalagang matugunan hindi lamang ang pisikal na hadlang kundi pati na rin ang mga isyung panlipunan na humahadlang sa ganap na partisipasyon ng mga PWD sa komunidad.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, muling pinagtibay ng konseho ang kanilang suporta sa mga adhikain para sa sektor ng PWD.
Ipinahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang kanyang pangakong ipagpapatuloy ang mga programang tunay na makapagbibigay-lakas, oportunidad, at pantay na serbisyo sa lahat ng mamamayan – anuman ang kanilang kalagayan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top