Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mayor Lopez Jr, Kaagapay ng mga Magulang sa Paghubog sa Malusog at Malikhaing Kabataaan

Sep
29,
2025
Comments Off on Mayor Lopez Jr, Kaagapay ng mga Magulang sa Paghubog sa Malusog at Malikhaing Kabataaan
Makulay ang simula ng araw para sa mga batang mag-aaral ng Pedro Villanueva Day Care Center sa Barangay Ariston East matapos sorpresang dumalaw si Mayor Carlos Lopez Jr. at personal na mamahagi ng coloring books at vitamins ngayong umaga
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pinaigting na kampanya ni Mayor Lopez na “Kulayan ang Kinabukasan,” isang proyektong naglalayong bigyang-pansin ang holistic development ng mga kabataang Asinganian sa pamamagitan ng maagang edukasyon, malikhaing pagsasanay, at kalusugan.
Ayon sa alkalde, ang simpleng pamamahagi ng coloring books ay may malalim na layunin—hindi lamang ito pampalipas oras, kundi isang hakbang sa paghubog ng imahinasyon, sining, at motor skills ng mga bata.
Bukod sa learning materials, isinabay rin ang pamamahagi ng vitamins para sa mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang kalusugan. Binigyang-diin ni Mayor Lopez ang kahalagahan ng malusog na katawan bilang pundasyon ng mabisang pagkatuto.
Naging bahagi rin siya ng kasiyahan sa ginanap na Family Day, kung saan nakibahagi siya sa mga gawain at nakipagkuwentuhan sa mga magulang.
Ang presensiya ng alkalde sa barangay ay ipinakitang hindi lamang siya lider na nag-uutos, kundi lider na lumalapit, dumidinig, at kumakalinga.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr., patuloy ang pagsusumikap ng LGU Asingan na maisakatuparan ang mga proyektong hindi lamang nakatuon sa imprastruktura, kundi pati na rin sa pagpanday ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga bata.
Ang “Kulayan ang Kinabukasan” ay patunay na sa Asingan, bawat bata ay mahalaga, at ang kanilang edukasyon at kalusugan ay hindi kailanman isinasantabi.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top