Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAYOR LOPEZ JR. AT TESDA-LMMSAT, NAGHAHANAP NG 50 BENEPISYARYO MULA SA ASINGAN PARA SA LIBRENG SKILLS TRAINING

Sep
25,
2025
Comments Off on MAYOR LOPEZ JR. AT TESDA-LMMSAT, NAGHAHANAP NG 50 BENEPISYARYO MULA SA ASINGAN PARA SA LIBRENG SKILLS TRAINING


Naghahanap ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng Luciano Millan Memorial School of Arts and Trades (LMMSAT) ng limampung (50) benepisyaryo mula sa bayan ng Asingan para sa kanilang libreng skills training programs sa ilalim ng iba’t ibang priority sectors.

Ayon sa TESDA, iniimbitahan ang dalawampu’t limang (25) kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na lumahok sa kursong Shielded Metal Arc Welding NC II (SMAW) – isang in-demand na kasanayan sa industriya ng konstruksyon, lokal man o sa ibang bansa.

Kasabay nito, bukas din ang TESDA para sa dalawampu’t limang (25) out-of-school youth mula sa Asingan na nais sumailalim sa Photovoltaic Systems Installation NC II, isang training na nakatuon sa pag-install ng solar power systems o renewable energy technology.
Ang dalawang training program na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na skills development initiative ng ahensya upang matugunan ang kakulangan sa skilled workers at mabigyan ng bagong oportunidad ang mga sektor na madalas hindi naaabot ng edukasyon at trabaho.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Asingan, partikular ang mga out-of-school youth at mga benepisyaryo ng 4Ps, na matuto ng bagong kasanayan.
Para sa karagdagang impormasyon at aplikasyon, mangyaring magtungo sa TESDA- LMMSAT na matatagpuan sa Barangay Poblacion West, Asingan, Pangasinan. Maaari rin makipag-ugnayan sa numerong 0910 091 3008 o sa email na
Immsat@tesda.gov.ph.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top