Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mayor Carlos Lopez Jr., Nanguna sa Pagpapalakas ng Serbisyo Publiko sa Pamamagitan ng Bagong Modernized Jeepney

Oct
28,
2025
Comments Off on Mayor Carlos Lopez Jr., Nanguna sa Pagpapalakas ng Serbisyo Publiko sa Pamamagitan ng Bagong Modernized Jeepney
Personal na dumalo si Mayor Carlos Lopez Jr. sa blessing ng dalawang bagong modernized jeepney ng Asingan Jeepney Operators Transport Cooperative (AJOTCO) ngayong araw ng Martes, Oktubre 28, 2025.
Ang karagdagang mga yunit ay bahagi ng patuloy na modernisasyon ng sistema ng pampasaherong transportasyon sa bayan, na layuning mapabuti ang serbisyo para sa mga commuter.
Ayon kay Mayor Lopez Jr., malaking tulong ang mga bagong yunit upang matugunan ang kakulangan ng mga modernized jeep sa Asingan.
“Natutuwa tayo dahil madaragdagan na naman ang serbisyo ng transportasyon sa ating bayan. Ang ating major player na AJOTCO ay nakapaglaan ng dalawang karagdagang yunit bilang dagdag sa kanilang labing-apat na existing units,” ani ng alkalde.
Dagdag pa niya, patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang iba pang transport groups na makiisa sa modernization program.
“Nakikita naman natin na marami pa rin ang pumipila dahil sa kakulangan ng mga modernized jeep. Kaya malaking tulong itong mga bagong unit, at umaasa tayo na madaragdagan pa ito hanggang maabot ang 50-unit requirement ng kanilang ruta,” paliwanag ni Mayor Lopez Jr.
Binanggit din ng alkalde na pangunahing makikinabang sa proyektong ito ang mga commuters, partikular ang mga estudyante at manggagawa.
“Mas magiging komportable at ligtas na ang kanilang biyahe papunta sa trabaho at paaralan,” dagdag niya.
Ang pagdaragdag ng mga modernized jeepney ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng LGU Asingan at AJOTCO na maghatid ng maayos, ligtas, at episyenteng transportasyon para sa bawat Asinganian.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top