MAYOR CARLOS LOPEZ JR., NANGUNA SA FEEDING PROGRAM PARA SA HIGIT 800 ESTUDYANTE
May walong daan at limampu’t siyam (859) na mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 sa Narciso R. Ramos Elementary School (NRRES) ang nakinabang sa isinagawang feeding program na pinangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr.

Layunin ng programa na makapagbigay ng mainit na pagkain o hot meal sa mga batang mag-aaral upang masugpo ang malnutrisyon at makatulong sa pagpapalakas ng kanilang katawan habang nasa murang edad pa lang.
Ang nasabing feeding program ay bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan ng Asingan na paigtingin ang kalusugan at nutrisyon ng mga estudyante, lalo na sa mga pampublikong paaralan.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang bayan ang suporta ng mga magulang, guro, at iba pang sektor ng komunidad upang maisulong ang kapakanan ng mga kabataang Asinganians.







