Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAYOR CARLOS LOPEZ JR. NANAWAGAN SA PANELCO III PARA SA AGARANG PAGBALIK NG SUPLAY NG KURYENTE SA ASINGAN

Nov
11,
2025
Comments Off on MAYOR CARLOS LOPEZ JR. NANAWAGAN SA PANELCO III PARA SA AGARANG PAGBALIK NG SUPLAY NG KURYENTE SA ASINGAN

Asingan, Pangasinan – Nanawagan si Mayor Carlos Lopez Jr. sa Pangasinan Electric Cooperative III (PANELCO III) para sa madaliang pagpapanumbalik ng kuryente sa mga barangay sa Asingan na naapektuhan ng Super Typhoon Uwan.
Sa isang opisyal na liham na ipinadala kay Engr. Casem ng PANELCO III, ipinaabot ng alkalde ang listahan ng mga barangay at sitio na hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng power interruption: Sitio Ormoc sa Carosucan Sur; Zone 4 hanggang Zone 7 ng Ariston West; Sitio Dusan sa Dupac; Barangay Coldit; ilang bahagi ng Barangay Toboy; Purok Silaw sa Isem, Domanpot; Zone 2 sa Calepaan; at bahagi ng Poblacion West.
Ayon kay Mayor Lopez, mahalagang maibalik agad ang kuryente sa mga naturang lugar upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kaginhawaan ng mga residente matapos ang hagupit ng bagyo.
“Lubos naming pinahahalagahan ang inyong agarang aksyon upang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong komunidad,” saad sa liham ng alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top