Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAYOR CARLOS LOPEZ JR., BAGONG HALAL NA BOARD MEMBER NG LMP- PANGASINAN CHAPTER

Sep
13,
2025
Comments Off on MAYOR CARLOS LOPEZ JR., BAGONG HALAL NA BOARD MEMBER NG LMP- PANGASINAN CHAPTER

MAYOR CARLOS LOPEZ JR., BAGONG HALAL NA BOARD MEMBER NG LMP- PANGASINAN CHAPTER


Ngayong araw ay pormal nang nanumpa si Mayor Carlos Lopez Jr. bilang bagong miyembro ng Board of Directors ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Pangasinan Chapter, sa harap ni Governor Ramon “Mon-Mon” Guico III.
Ang makabuluhang okasyong ito ay sumasalamin sa patuloy na pagtitiwala ng mga kapwa lingkod-bayan sa kakayahan, liderato, at malasakit ni Mayor Lopez para sa bayan ng Asingan at sa lalawigan ng Pangasinan.


Sa kanyang panibagong tungkulin bilang bahagi ng LMP Board of Directors, inaasahang lalo pang maisusulong ni Mayor Lopez ang mga inisyatiba para sa mabuting pamamahala, makataong serbisyo, at inclusive development-mga layuning pangunahing isinusulong ng LMP para sa mahigit 1,400 munisipalidad sa buong bansa.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top