
Personal na umikot si Mayor Carlos Lopez Jr. sa iba’t ibang barangay ng Asingan upang tignan ang kalagayan ng mga residente sa gitna ng epekto ng Bagyong Nando.
Bitbit ng alkalde ang kaunting food packs na ipinamigay para sa mga naka-duty na barangay opisyal bilang suporta sa kanilang patuloy na serbisyo sa gitna ng masamang panahon.
Ayon kay Mayor Lopez Jr., mahalagang siya mismo ang makakita sa sitwasyon upang agad na makapagpatupad ng mga kinakailangang aksyon at matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Patuloy na naka-alerto ang lokal na pamahalaan ng Asingan habang binabantayan ang lagay ng panahon at ang epekto ng habagat na pinalalakas pa rin ng bagyong Nando.








