Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MAS MADALAS NA THUNDERSTORMS INAASAHAN SA NORTHERN LUZON, KABILANG ANG PANGASINAN

May
19,
2026
Comments Off on MAS MADALAS NA THUNDERSTORMS INAASAHAN SA NORTHERN LUZON, KABILANG ANG PANGASINAN

Inaasahan ang mas madalas na thunderstorms sa hapon at gabi sa Northern Luzon, habang wala pang opisyal na deklarasyon ng tag-ulan.

Batay sa forecast mula Mayo 18 hanggang 24, 2026, may mga palatandaan nang maaaring magsimulang umihip ang habagat o southwest monsoon sa mga susunod na araw.

Ang habagat ay hanging nagmumula sa kanluran o timog-kanluran na karaniwang nagdadala ng tuloy-tuloy na pag-ulan, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

Karaniwang nararanasan ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa sa pagitan ng huling linggo ng Mayo at unang linggo ng Hunyo. Posible itong ideklara bandang Hunyo 1, depende sa datos na mamomonitor ng PAGASA.

Habang wala pa ang habagat, patuloy na mararanasan ang mainit at maalinsangan na panahon sa umaga at tanghali. Posible ring umabot sa danger level ang heat index sa ilang lugar, o katumbas ng 42 hanggang 51 degrees Celsius na damang-init.

Kabilang ang Pangasinan sa mga lugar na posibleng makaranas ng thunderstorms tuwing hapon o gabi. Ang mga pag-ulang ito ay maaaring magdulot ng biglaang buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat, gayundin ng panandaliang pagbaha sa mabababang lugar.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa biglaang pagbabago ng panahon, magdala ng payong o kapote, at patuloy na subaybayan ang mga weather update.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top