Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LIBRENG TULI SA RHU ASINGAN, UMABOT NA SA 279 BATANG BENEPISYARYO

May
20,
2026
Comments Off on LIBRENG TULI SA RHU ASINGAN, UMABOT NA SA 279 BATANG BENEPISYARYO

Umabot na sa 279 batang Asinganian ang natuli sa libreng tuli program na isinasagawa sa Rural Health Unit o RHU Asingan.

Ayon sa RHU Asingan, magpapatuloy ang libreng tuli hanggang sa katapusan ng Mayo upang mabigyan pa ng pagkakataon ang iba pang kabataang nais sumailalim sa serbisyo.

Bahagi ang programa ng serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan ngayong panahon ng bakasyon.

Isinasagawa ang tuli sa pangangasiwa ng mga health worker at medical personnel upang matiyak ang ligtas at maayos na proseso.

Pinaalalahanan naman ang mga batang natuli na sundin ang tamang pangangalaga sa sugat, panatilihin itong malinis, at makinig sa payo ng health personnel upang maiwasan ang impeksyon.

Para sa mga nais pang magpatuli, maaaring magtungo sa RHU Asingan upang alamin ang iskedyul at iba pang detalye ng libreng serbisyo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top