Magkakaroon ng libreng anti-rabies vaccination para sa mga aso at pusa sa Barangay Carosucan Sur mula Marso 11-12, 2026 (Miyerkules at Huwebes). Bilang bahagi ng kampanya laban sa rabies at upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad, inaanyayahan ang lahat ng mga pet owners at fur parents na dalhin ang kanilang mga alaga para mabigyan ng libreng bakuna.
Ang mga alagang hayop na bibigyan ng bakuna ay kailangang siguraduhing nakatali ang mga aso at nasa kulungan o carrier ang mga pusa upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat sa panahon ng aktibidad.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa lugar at oras ng bakunahan, maaaring kontakin si Kagawad Maresiel Medrano, ang Committee Head for Agriculture, o makipag-ugnayan sa mga barangay officials.
Samantala, ang mga barangay na hindi pa kasama sa iskedyul ay pinapayuhang maghintay ng opisyal na anunsyo sa mga susunod na araw.
Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng mamamayan upang protektahan ang mga alaga at ang komunidad laban sa rabies, isang sakit na ganap na maiiwasan sa pamamagitan ng responsableng pagbabakuna.









