Ngayong araw, November 17, pormal na ipinakilala ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang opisyal na kandidata ng bayan ng Asingan sa Miss Universe Philippines – Pangasinan 2026 — si Liannah Jermayne Longakit-Mangosong.
Si Liannah, 22 taong gulang at taga-Barangay Macalong, ay nagwagi ngayong taon bilang 2nd Runner-Up sa Limgas na Pangasinan.
Kasama sa pagpapakilala sina Tourism Officer Michael Soliven, Local Youth Development Officer Jherone Christopher Lavarias, at ang kanyang handler na si Arby Baquirin.








