Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN, PINAIIGTING ANG KAMPANYA LABAN SA MGA KOLORUM NA TRICYCLE

Apr
6,
2026
Comments Off on LGU ASINGAN, PINAIIGTING ANG KAMPANYA LABAN SA MGA KOLORUM NA TRICYCLE
Tinalakay ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan ang isyu ng mga kolorum na tricycle sa bayan sa kanilang sesyon ngayong Lunes ng umaga.
Sa isinagawang dialogue na dinaluhan ng Asingan Federation of Tricycle Operators and Drivers Association, Inc., Public Order and Safety Group, at Philippine National Police, iniulat ang patuloy na operasyon ng ilang kolorum sa bayan.
Sa kabila ng kawalan ng prangkisa at permit, nagsasakay ang mga ito ng pasahero at kumikita sa ilegal na pamamasada, ayon sa ulat.
Kapag may hulihan, sinasabing nagtatago ang ilan at pansamantalang humihinto sa pasada. Hindi rin sila nagbabayad ng membership, prangkisa, at permit, at may mga hindi sumasali sa TODA.
Ayon sa mga opisyal, hamon ang kakulangan sa agarang impounding kaya’t nakababalik pa rin ang mga ito sa pamamasada.
Iginiit ng mga lehitimong tricycle drivers na hindi patas ang sitwasyon dahil sila ay sumusunod sa regulasyon habang ang mga kolorum ay patuloy na kumikita.
Bilang tugon, iminungkahi ang pangangalap ng listahan ng mga kolorum at pagrepaso ng mga ordinansa upang mapigilan ang ilegal na pamamasada

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top