Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN, PINAIGTING ANG KAMPANYA LABAN SA MGA KOLORUM NA TRICYCLE

Apr
6,
2026
Comments Off on LGU ASINGAN, PINAIGTING ANG KAMPANYA LABAN SA MGA KOLORUM NA TRICYCLE

LGU ASINGAN, PINAIGTING ANG KAMPANYA LABAN SA MGA KOLORUM NA TRICYCLE

 

Tinalakay ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan ang isyu ng mga kolorom na tricycle sa bayan sa kanilang sesyon ngayong Lunes ng umaga.

Sa isinagawang dialogue na dinaluhan ng Asingan Federation of Tricycle Operators and Drivers Association, Inc., Public Order and Safety Group, at Philippine National Police, inulat ang patuloy na operasyon ng ilang kolorom sa bayan.

Sa kabila ng kawalan ng prangkisa at permit, nagsasakay ang mga ito ng pasahero at kumikita sa ilegal na pamamasaada, ayon sa ulat.

Kapag may hulihan, sinasabing nagtatago ang ilan at pansamantalang humihinto sa pasada. Hindi rin sila nagbabayad ng membership, prangkisa, at permit, at mga hindi sumasali sa TODA.

Ayon sa mga opisyal, hamon ang kakulangan sa agarang impounding kaya’t nakakabalik pa rin ang mga ito sa pamamasaada.

Iginiit ng mga lehitimong tricycle drivers na hindi patas ang sitwasyon dahil sila ay sumusunod sa regulasyon habang ang mga kolorom ay patuloy na kumikita.

Bilang tugon, iminungkahi ang pangangalap ng listahan ng mga kolorom at pagrepaso ng mga ordinansa upang mapigilan ang ilegal na pamamasaada.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top