Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN, PATULOY NA ITINATAAS ANG ANTAS NG SERBISYO PUBLIKO SA ILALIM NG EODB AUDIT

Oct
23,
2025
Comments Off on LGU ASINGAN, PATULOY NA ITINATAAS ANG ANTAS NG SERBISYO PUBLIKO SA ILALIM NG EODB AUDIT


Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Asingan ang Ease of Doing Business (EODB) Audit sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Office I, Department of Information and Communications Technology (DICT) Regional Office I, at Anti-Red Tape Authority (ARTA).


Layunin ng pagsusuring ito na masiguro ang patuloy na pagsunod ng lokal na pamahalaan sa mga pamantayan ng EODB, partikular sa transparency, accountability, at efficiency sa pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.
Sinuri ng mga kinatawan ang mga proseso, dokumento, at pangunahing serbisyo ng LGU upang matukoy kung maayos at mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng publiko. Nagbigay rin sila ng mahahalagang rekomendasyon at suhestiyon upang higit pang mapabuti ang mga sistema at mapadali ang mga transaksiyon sa pamahalaan.
Kasama sa saklaw ng audit ang pagrepaso sa mga proseso ng pagkuha ng business at building permits, implementasyon ng Citizen’s Charter, operasyon ng one-stop shop, at paggamit ng digital systems sa mga transaksiyon ng lokal na pamahalaan. Ayon kina Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua, malaking bagay ang ganitong pagsusuri upang mapanatili ang tiwala ng mga mamamayan at mga negosyante sa pamahalaan.


Ang resulta ng audit ay magsisilbing gabay ng local na pamahalaan ng Asingan sa pagpapatuloy ng mga reporma tungo sa episyente, tapat, at maayos na pamamahala.
Seo tranclation.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top