Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU Asingan nagsagawa ng clean-up drive

Sep
27,
2019
Comments Off on LGU Asingan nagsagawa ng clean-up drive

LGU Asingan nagsagawa ng clean-up drive bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Tourism Day.

Kasabay ng pagdiriwang ngayong Setyembre ng World Tourism Day ay nagsagawa ng clean-up drive ang mga kawani ng munisipyo sa public plaza.

Ang pagdiriwang ay may tema ngayong taon na β€˜History and Tourism: A symbiotic relation’ kung saan nakiisa ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng dalawang aktibidad na inihanda ng Tourism Officer na si Soliven CendaΓ±a Miko.

Hindi naman bababa sa isandaang mga empleyado galing sa iba’t ibang tanggapan ng munisipyo ang lumahok at nagdala ng kani-kanilang mga gamit sa paglilinis.

Ang clean up drive ay ang unang aktibidad na ginanap ngayong umaga habang naman ang poster making contest ng mga estudyante mula elementarya at high school.

Sa mensahe naman ni Mayor Carlos Lopez Jr ay kanyang minungkahi na gawing buwanan ang nasabing aktibidad.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top