Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN, NAGBIGAY NG BAGONG DIGITAL COPIER MACHINE

Oct
14,
2020
Comments Off on LGU ASINGAN, NAGBIGAY NG BAGONG DIGITAL COPIER MACHINE


LGU ASINGAN, NAGBIGAY NG BAGONG DIGITAL COPIER MACHINE PARA SA SAN VICENTE WEST INTERGRATED SCHOOL
Ang lokal na pamahalaang Asingan sa pangunguna ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr ay nagbigay ng isang digital copier machine sa San Vicente West Integrated School upang magamit sa blended learning na pinaiiral ng DepEd.
“Para po sana sa reproduction ng modules kasi mas nakakatulong yan kesa sa printer. β€˜Yung printer kasi mas madaling masira pero yung copier mas lifetime yung service niya.” ayon kay Jojo Domingo, Principal ng San Vicente West Integrated School.
Sa blended learning, kabilang sa mahahalagang sistema ang paggawa ng mga self-learning module na naka-imprenta sa papel at nangangailangan ng mga digital copier upang maparami ang kopya ng nasabing module.
Nasa mahigit tatlong daan at limampu na estudyante ang naka-enroll sa San Vicente West Integrated School.
“Ako’y nagpapasalamat sa ating butihing Mayor kasi naaksyonan niya yung request namin and for the reproduction of modules.” dagdag ni Domingo.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top