
Isang makulay at masayang umaga ang bumungad sa mga day care student ng Barangay Ariston West matapos personal na pangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang pamamahagi ng coloring books at vitamins ngayong araw.

Ang simpleng coloring books ay hindi lamang nagbibigay-aliw, kundi nagsisilbi ring kasangkapan sa maagang paghubog ng kanilang kakayahan sa sining, imahinasyon, at pagsasanay sa motor skills.

Bukod dito, binigyang-diin ng alkalde na ang pagbibigay ng vitamins ay mahalaga upang masiguro ang kalusugan ng mga bata, lalo na’t sila nag aaral na rin.







