Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Kilo Kilong Mga Mishandled Frozen Meat Kinumpiska ng NMIS at Asingan Market Enterprise

May
16,
2023
Comments Off on Kilo Kilong Mga Mishandled Frozen Meat Kinumpiska ng NMIS at Asingan Market Enterprise

Kilo Kilong Mga Mishandled Frozen Meat Kinumpiska ng NMIS at Asingan Market Enterprise

Nabulaga ang ilang nagtitinda sa palengke ng Asingan matapos kumpiskahin ang mga paninda nilang frozen meat sa isinagawang surprise inspection ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region 1 katuwang ang Asingan Market Enterprise.
Tatlong tindahan ang nakumpiskahan ng nasa halos animnapu’t pitong kilo ng mishandled meat gaya ng pork.


Ayon kay Dr. Isagani Julius Rodrigo, Team Leader ng NMIS Enforcement Team ang mga frozen meat ay kinakailangan nakalagay sa mga chiller dahil kapag ang mga ito ay nakatiwangwang at natutunaw ang yelo, dito na raw ito naco-contaminate ng bacteria.
“Pagmatagal na po kasi siyang nakatiwangwang tutubo na ang mikrobyo, kung minsan magsisimula na po siyang ma-spoil. Magkakaroon na siya ng advance state of decomposition, yun po pwede na siyang ma-food poison kung sakali. Depende kasi sa resistensya ng kumakain, kung bata o matanda, may allergic reaction dun na po siya magsisimula magkasakit” ani ni Dr. Rodrigo.
Hindi naman nagkulang si Asingan Mayor Carlos Lopez jr. at ng Asingan Market Enterprise sa pangunguna ni Alejandro Torio sa pagpapaalala sa mga meat retailers kaugnay ng tamang meat handling, ang ugat daw ng problema ay ang kawalan ng displina ng mga ilang nagtitinda.
“Sinabi ko na nga sa kanila dati pa na dapat pag mga ganyan [frozen food] every now and then dapat sigurado silang may mga permits sila.
At tama yung procedure ng paghandle nila sa kanilang mga meat process na binebenta. Kasi yung iba naka expose, wala na sa freezer hindi pwede yun kasi may pagkakataon na masisira yung product nila. Kailangan sumunod sila sa relasyon hindi pwede yung sila ang masusunod.” pahayag ng alkalde.
Ang mga karne na nakumpiska ay ibinaon sa Material Recovery Facility (MRF) na matatagpuan sa Sitio Cabaruan, Barangay Bantog.
May kaukulang parusa para sa mga tindahang patuloy na magbebenta ng mishandled frozen meat.
Bukod sa pagkumpiska ng mga mishandled frozen meat ay magmumulta pa P200,000 pesos sa unang offense; P300,000 pangalawang offense at possibleng masususpende ng anim na buwan ang NMIS license at P300,000 para sa ikatlong offense.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top