Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Joint Meeting ng Iba’t Ibang Konseho, Isinagawa sa Bayan ng Asingan

Oct
8,
2025
Comments Off on Joint Meeting ng Iba’t Ibang Konseho, Isinagawa sa Bayan ng Asingan
Isinagawa kahapon, Oktubre 7, ang isang Joint Meeting sa Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua, katuwang ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Development Council (MDC), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga konseho upang higit pang mapabuti ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto na makatutulong sa mga mamamayan ng Asingan.
Binigyang-diin ni Mayor Lopez Jr. na ang ganitong mga pagpupulong ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang transparency, malasakit, at mahusay na pamamahala sa lokal na pamahalaan, lalo na pagdating sa tamang paggamit ng pondo at pagpapatupad ng mga proyektong tunay na nakikinabang ang bawat Asinganian.
Kabilang sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga ulat at accomplishments ng bawat konseho, gayundin ang mga programang nakatuon sa anti-illegal drug initiatives, pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, at pagpapalakas ng kakayahan sa disaster preparedness, partikular sa mga low-lying areas na posibleng maapektuhan ng mga paparating na bagyo.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Asingan tungo sa mas ligtas, mas maayos, at mas maunlad na komunidad para sa mga Asinganian.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top