Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Joint Meeting kasama ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC)

Aug
28,
2025
Comments Off on Joint Meeting kasama ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC)
Isinagawa kahapon, Agosto 27 sa pangunguna ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua ang isang Joint Meeting kasama ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Development Council (MDC) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagpupulong, pinagtitibay ni Mayor Lopez Jr. ang transparency, malasakit, at mahusay na pamamahala lalo na pagdating sa tamang paglalaan ng pondo at pagpapatupad ng mga proyektong tunay na makatutulong sa bawat Asinganian.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga ulat, accomplishment at mga programang maaaring isagawa tulad ng anti-illegal drug initiatives, maiwasan ang mga krimen at mapanatili ang kaayusan sa bawat barangay.
Kabilang din sa pinag-usapan ang mga hakabang upang mapaigting ang kahandaan sa posibleng pagtaas ng tubig-baha sa mga low-lying areas dala ng mga bagyo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top