ILANG BAHAGI NG ASINGAN APEKTADO NG MANUAL LOAD DROPPING NGAYONG 3:00 PM – 5:00 PM
Nagbigay ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaaring magsagawa ng Manual Load Dropping (MLD) ngayong araw upang mapanatili ang katatagan ng sistema ng kuryente.
Ayon sa NGCP, ang MLD ay ipatutupad mula 3:00 PM hanggang 5:00 PM sa ilang barangay ng Asingan, kabilang ang:
Ariston East
Ariston West
Baro
Bantog
Cabalitian
Calepaan (Riverside)
Carosucan Norte
Carosucan Sur
Domanpot
Dupac
Macalong
Poblacion East
Poblacion West
Sanchez
San Vicente East
San Vicente West
Pinapayuhan ang mga residente at mga negosyante na maghanda sa pansamantalang pagkawala ng kuryente. Patuloy ang NGCP sa pagmamanman ng sitwasyon at magbibigay ng karagdagang abiso kung kinakailangan.








