Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ILANG AKTIBIDAD SA PISTA NG ASINGAN, KANSELADO UPANG MAKATIPID — MAYOR LOPEZ JR.

Mar
27,
2026
Comments Off on ILANG AKTIBIDAD SA PISTA NG ASINGAN, KANSELADO UPANG MAKATIPID — MAYOR LOPEZ JR.
Ilang aktibidad sa nalalapit na pista ng Asingan ang kanselado bilang hakbang upang mabawasan ang gastusin ng mga residente, ayon kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Dagdag pa ng alkalde, ginawa ang desisyon dahil sa kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya at sa layuning maiwasan ang mabigat na kontribusyon mula sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga kinanselang aktibidad ang Mrs. Asingan, street dancing, at iba pang programang nangangailangan ng malaking pondo.
Sa halip, tututukan ng lokal na pamahalaan ang mas simpleng selebrasyon tulad ng Thanksgiving Night at pinagsamang People’s Night at Barangay Night.
Tuloy pa rin naman ang ilang aktibidad gaya ng Educators Night, habang ang iba pang programa ay pag-uusapan pa kung itutuloy.
Ayon kay Mayor Lopez Jr., layunin ng kanilang hakbang na matiyak na walang mahihirapan sa mga residente habang naipagdiriwang pa rin ang pista sa mas abot-kayang paraan.

 

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top