Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Halos 800 Tricycle Drivers sa Asingan, Makikinabang sa Kauna-Unahang Portable Gasoline Station sa Rehiyon 1

Oct
1,
2025
Comments Off on Halos 800 Tricycle Drivers sa Asingan, Makikinabang sa Kauna-Unahang Portable Gasoline Station sa Rehiyon 1
Aabot sa 756 na lehitimong tricycle drivers na namamasada sa bayan ng Asingan ang makikinabang sakaling maipatayo na ang portable gasoline station, bilang tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa inisyatibo ni Mayor Carlos Lopez Jr.
“Matagal na nating ambisyon para sa mga tricycle drivers na magkaroon sila ng sarili nilang fuel station. Ngayon, sa pamamagitan ng pondo ng local government para sa pangkabuhayan assistance, ang LGU ay magpupurchase ng portable gasoline station para sa kanila,” pahayag ng alkalde.
Dagdag pa niya, ang kikitain mula sa proyekto ay paiikutin ng pederasyon bilang kanilang sariling negosyo, katulad ng matagumpay na ‘Bigasang Bayan’ na nauna nang naitayo at sinuportahan ng LGU. Ayon kay Mayor Lopez, malinaw na ang merkado ay nasa kanila, kaya’t napapanahon na bigyan sila ng pagkakataong pamahalaan ang sarili nilang fuel station.
Binanggit din ng alkalde na ang income mula sa operasyon ng istasyon ay magiging revolving fund ng kanilang samahan na magagamit sa iba’t ibang pangangailangan gaya ng pampagamot, tulong pinansyal, at pangmatrikula ng kanilang mga anak. Maaari rin itong lumago tulad ng naging karanasan sa Palawan, kung saan ang isang organisasyon ng mga tricycle driver ay nakapagtayo na rin ng tindahan ng spare parts bukod sa kanilang sariling gasoline station

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top