Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Halos 100 na mga kadete nagsipagtapos sa PSU

Nov
24,
2019
Comments Off on Halos 100 na mga kadete nagsipagtapos sa PSU


Halos 100 na mga kadete nagsipagtapos sa PSU; β€œSana All” sigaw ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr sa pagbalik ng ROTC sa mga kolehiyo.

Nasa pitumpong kalalakihan (70) at dalawanpu’t pito (27) naman na kababaihan mula sa Pangasinan State university Asingan ang nagsipagtapos kamailan sa idinaos na Pinning of Ranks and Open Collar sa ilalim ng Reserve Officer Training Corps.

Sa nasabing okasyon ay pinasalamatan ni Mayor Carlos Lopez Jr ang mga magulang sa pagpayag sa kanilang mga anak na sumali sa ROTC pati na rin ang PSU sa pagkakaroon ng ganitong aktibidad.

Aniya sana maibalik muli sa lahat ng kolehiyo ang korikulom ng ROTC, dahil dito ay magiging disiplinado ang mga estudyante.

Inalala din ni Mayor Lopez na minsan na rin niyang pinangarap ang pumasok sa military ngunit pinigilan lamang siya ng kanyang ama. Sabi ng dating Mayor Caloy Lopez Sr. “dadalawa na nga lang kayong magkapatid sasali ka pa sa military, marami pa naman paraan na pwede kang maglingkod sa iyong kapwa”.

Si Mayor Lopez ay dating Lieutenant Colonel ng CAT noong High School sa Divine World College sa Urdaneta.

πŸ’» Akosi MarsRavelos
πŸ“Έ JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top