Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

GASTOS SA PATUBIG NG MGA MAGSASAKA, NABAWASAN SA CAROSUCAN SUR DAHIL SA SOLAR PROJECT NG DAR

Apr
8,
2026
Comments Off on GASTOS SA PATUBIG NG MGA MAGSASAKA, NABAWASAN SA CAROSUCAN SUR DAHIL SA SOLAR PROJECT NG DAR
GASTOS SA PATUBIG NG MGA MAGSASAKA, NABAWASAN SA CAROSUCAN SUR DAHIL SA SOLAR PROJECT NG DAR
Malaking ginhawa para sa mga magsasaka sa Barangay Zone 5, Carosucan Sur ang bagong solar water pump na inilagay sa kanilang lugar sa tulong ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Sa loob ng tatlong dekada, tila walang katapusang laban sa gastos ang hinarap ni Johnny “Oning” Salazar—lalo na sa patubig na aniya’y parang agos na hindi mapigil sa pag-ubos ng kanilang kinikita.
Ayon kay Salazar, nasa humigit-kumulang ₱2,000 ang kanilang nagagastos sa diesel kada patubig sa kanyang isa’t kalahating ektaryang lupang sinasaka, na umaabot sa halos ₱16,000 kada anihan dahil sa paggamit ng diesel-powered water pump—isang malaking dagdag sa kanilang produksyon.
“Malaking tulong po ito sa amin. Dati po, malaki ang gastos namin sa diesel, ngayon halos libre na ang patubig,” ani Salazar.
Personal namang binisita ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang lugar upang inspeksyunin ang proyekto.
Ayon sa alkalde, layunin ng solar water pump na mapagaan ang gastusin ng mga magsasaka at mapabuti ang kanilang ani.
“Malaking tulong po ito sa ating mga magsasaka. Layunin ng proyektong ito na mapagaan ang kanilang gastusin at mapabuti ang kanilang ani,” pahayag ni Lopez.
Dagdag pa niya, sa tulong ng Department of Agrarian Reform sa pangunguna ni Secretary Conrado Estrella III, naipatupad ang proyekto sa nasabing barangay.
Dagdag pa niya, kayang patubigan ng proyekto ang humigit-kumulang 10 ektaryang lupain na pakikinabangan ng mga magsasaka sa nasabing lugar.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapabuti ng produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top