Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

FSCAP ASINGAN CHAPTER, NANGUNA SA FLAG CEREMONY SA PAGGUNITA NG NATIONAL ELDERLY WEEK

Oct
7,
2025
Comments Off on FSCAP ASINGAN CHAPTER, NANGUNA SA FLAG CEREMONY SA PAGGUNITA NG NATIONAL ELDERLY WEEK


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Elderly Filipino Week, pinangunahan ng Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP) – Asingan Chapter ang isinagawang Monday Flag Ceremony kahapon ng umaga, October 6.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng taunang selebrasyon tuwing unang linggo ng Oktubre na naglalayong kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga senior citizens sa lipunan.
Sa ilalim ng Republic Act 9994, may karapatan ang mga senior citizens sa libreng serbisyong medikal, diskwento sa gamot at pagkain, at iba pang tulong mula sa pamahalaan.
Sa kanilang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat ang FSCAP at mga lokal na opisyal sa lahat ng patuloy na nagbibigay halaga sa mga senior citizens, kasabay ng panawagan na ipagpatuloy ang gawaing ito hindi lamang ngayong Elderly Week kundi sa buong taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top