AFTERNOON Classes Shift to DISTANCE LEARNING FOR TODAY’S CHRISTMAS LIGHTING EVENT
Ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan na lahat ng panghapong klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Asingan ngayong araw, Disyembre 3, 2025, ay ililipat sa modular, asynchronous, o distance learning.
Layunin nito na bigyang-daan ang pakikilahok ng mga mag-aaral, guro, at school personnel sa 2025 Christmas Lighting Ceremony na gaganapin mamayang hapon sa Asingan Public Plaza.








