Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Executive Order No. 025, S. of 2026

Aug
14,
2026
Comments Off on Executive Order No. 025, S. of 2026
Suspendido ang klase ngayong hapon, Agosto 14, 2026, sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Asingan dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat.
Sa bisa ng Executive Order No. 025, Series of 2026, ipinag-utos ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang suspensyon bilang pag-iingat at pagmamalasakit sa kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante, guro at school personnel.
Ayon sa kautusan, maaaring makaapekto ang patuloy na pag-ulan sa pagbiyahe ng mga mag-aaral at school personnel. Pinayuhan din ang mga magulang at guardian na tiyaking maayos ang pag-uwi ng kanilang mga anak.
Patuloy namang imo-monitor ng MDRRMO at iba pang kinauukulang ahensya ang lagay ng panahon sa bayan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top