Patuloy ang enrollment para sa Alternative Learning System o ALS, isang programang nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan at adult learners na hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral na makabalik sa pag-aaral.
Maaaring mag-enroll sa Elementary Level ang mga 12 taong gulang pataas. Para naman sa Junior High School Level, maaaring magpatala ang mga 16 taong gulang pataas.
Iniaalok sa programa ang Basic Literacy Program, A & E Elementary, at A & E Junior High School.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Myra Ilumin Ladesma sa Facebook o tumawag/text sa 09073164177








