Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

DTI PANGASINAN, NAMIGAY NG 5 MILYONG PISONG HALAGA NG PRODUKTO

Dec
7,
2020
Comments Off on DTI PANGASINAN, NAMIGAY NG 5 MILYONG PISONG HALAGA NG PRODUKTO

DTI PANGASINAN, NAKAPAGBIGAY NA NG HALOS LIMANG MILYONG PISONG HALAGA NG PRODUKTO PARA SA MGA MALILLIT NA NEGOSYANTE SA LALAWIGAN
Kamakailan ay nakatanggap ng livelihood starter kit mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang nasa labing anim na Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs ng Asingan.
“Ito ay programa ng DTI upang matulungan na makabangon ang mga maliit na mga negosyo na naapektuhan ng bagyo, naapektuhan ng giyera at nitong April 2020, isinama po ang lahat ng mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng COVID 19 pandemic” pahayag ni Natalia Basto-Dalaten, ang Provincial Director ng DTI Pangasinan.
Kabilang ang mga barangay sa Asingan, sa dalawang daan animnapu’t walong barangay na naikot ng DTI at nabigyan ng livelihood starter kits na may kabuoang halaga na P4.89 milyon.
“Isa sa mga requirement po natin sa pagtanggap ng negosyo starter kit from DTI ay unang una dapat hindi sila 4ps ng DSWD, pangalawa hindi rin sila nakatanggap ng ayuda from Department of Agriculture at hindi sila nakatanggap ng SAP kasi gusto natin din na yung atin pong tinutulungan ay yung mga talagang legitimate na negosyante or pwede rin yung gustong magsimula ng negosyo depende po doon sa assessment ng ating staff at LGU” saad ni Basto-Dalaten.
Ibat ibang produktong pangkabuhayan na nagkakahalaga mula P8,000 hanggang P10,000 piso kada kit ang binigay sa bawat benepisyaryo na maaari nilang magamit sa kanilang negosyo tulad ng sari-sari store, frozen foods, bigasan at t-shirt printing.
“Nagpintas unay ta inikan na tayo iti gundaway iti DTI tapno matulungan da kayo amin, iti aramiden yu dita paadwen yu tapno makatulong kayo ti pamilya ken dagiti karuba yu meten. Haan tayo laeng ag accept wenno mangrecieve dagita nga blessing nuh di kitdi agpasalamat tayo met, agpasalamat tayo ta nakaradkad tayo amen uray nu nagado nga problema ti pilipinas saan lang idtoy Asingan” ani ni Vice Mayor Heidee Chua.
“If all of you will commit na gagawin niyong maging malago ang negosyo makakatulong pa tayo sa susunod na mga recipient. Sika yu ti pilot so ibig sabhin model kayo, ti panunuten yu dagidiay tu met sumaruno nga maikkan nga trenta.” panghihikayat ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Nagpasalamat naman ang DTI Pangasinan sa mainit na pagtanggap ng nasabing proyekto sa bayan ng Asingan.
“Nagpapasalamat po ako sa LGU Asingan na tinanggap po nila ang proyektong ito kasi kahit anong ganda ng proyekto ng National Agencies kung hindi tatanggapin at susuportahan ng local government unit, wala rin po kaming magagawa.” mensahe ni Basto-Dalaten
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top